Overloading ng mga bangka mahigpit na binabantayan ngayong full implementation na ng Face-to-Face classes

NAGA CITY- Kung alerto ang mga pulis sa seguradidad ng mga estudyante lalo pa ngayong full implementation na ng face-to-face classes, nakabantay naman ang mga Tanod Baybayin ng Pilipinas.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PO2 Allan Mapusao ng Phil. Coast Guard , Tambang Substation , sinabing inaabisuhan nila ang mga mga may dala ng pampasaherong bangka na huwag sobrahan ang sakay. Tinitinggan nila ang mga lumalarga mula sa pantalan lalo na kung estudyante ang mga sakay.

Mula Agosto bago ang full F2F, ilang araw lamang sa isang linggo ang face-to-face classes,  ngayon mas marami nang oras ang iginugugol nila.

May mga estudyanteng nasa barangay na sakop pa ng Tambang River lamang,  pero may mga mula pa sa North Coastal ng Lagonoy, delikado kung masungit ang panahon lalo pa ngayong Amihan Season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *