KORONADAL CITY – APRUBADO na ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 12 ang P 5 million na proposal ng provincial government ng South Cotabato para sa DOLE Integrated Livelihood Program o DILP.
Inihayag ni Provincial Employment Service Unit o PESU head Flora Cavan na makakabenepisyo sa naturang livelihood program ang 282 na mga benepisyaryo.
Noong nakaraang buwan lamang, nasa P 1.6 million na halaga ng livelihood program ang nai-release ng DOLE at PESU sa 57 mga indibidwal.
Ang DILP ay isang flagship program ng DOLE na nagbibigay ng grant assistance para sa capacity-building kaugnay sa livelihood at entrepreneurial ventures ng mga vulnerable at marginalized workers.
