P4B na utang ng ALECO hindi pa umano nababayaran ng APEC

Kinumpirma ng Albay Electric Cooperative (ALECO) na hanggang sa ngayon ay hindi pa nababayaran ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) ang utang ng nabanggit na opisina.

Ayon kay Dir. Roy Cometa, ang spokesperson ng ALECO, sa loob ng walong taon nang pumasok ang nabanggit na korporasyon ay hindi nababayaran ang utang ng ALECO na umaabot sa P4B.

Aniya, nasa kasunduan umano ito ng concessionaire agreement na dapat ay bayaran muna ang utang ng kooperatiba.

Sa ngayon ay hindi muna dinitalye ng ALECO ang problema patungkol sa utang dahil mayroon nang Special General Membership Assembly (SGMA) na isinagawa at upang maiwasan ang anuman pahayag lalo’t nasa transition period ang mga ito.

Samantala, wala pa naman umanong investor na pumapasok upang pautangin ang ALECO para sa operasyon ng kuryente sa Albay.

Hinihikayat pa rin ng ALECO ang mahigit 200,000 consumers sa Albay na magbayad ng kanilang kuryente upang hindi maputulan ng suplay ang lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *