Padilla, denepensahan si Dela Rosa na pagde-decriminalize sa pag-gamit ng ilegal na droga

Ipinaliwanag ni Sen. Robin Padilla, na ang pag-decriminalize sa pag-gamit ng ilegal na droga ay hindi umano nangangahulugan na pagsasalegal sa mga ipinagbabawal na gamot at mga krimen na may kaugnayan nito.

Paglilinaw ni Padilla, ipinapanukala lang umano niya kasama si Senator  Ronald “Bato” Dela Rosa ang pag-decriminalize sa pag-gamit ng ilegal na droga para ma-decongest ang mga kulungan sa bansa at mailigtas ang mga small-time drug users, sa pamamagitan ng pagpaparehab sa mga ito, sa halip na ikulong.

READ MORE:

Mababatid na si Dela Rosa ang naghain sa naturang panukala, habang sinuportahan naman ito ni Padilla.

Giit ni Padilla, na ang pag-decriminalize ay dapat ibatay sa halaga ng ilegal na droga na nakumpiska sa isang tao.

Dagdag nito, na hindi umano tulad sa mga proposal ng mga kritiko, siya at si Dela Rosa ay may first-hand knowledge sa kung anu ang nangyayari sa loob ng detention cells. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *