Bilang ng aktibong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes dalawa na lang makaraang makapagtala ng anim na kaso noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Dalawa na lang ngayon ang bilang ng aktibong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte makaraang makapagtala ng anim na kaso noong nakaraang linggo kung saan nasawi pa ang isa sa mga ito.

Batay ito Covid- 19  situational report nitong Martes, November 29 ng Municipal Health Office.

Sa 26 na barangay sa naturang bayan pinakamaraming kaso ang naitala sa San Roque na may 37, apat ang nasawi at 33 gumaling mula noong 2020.

Sinusundan ito ng Del Rosario na may 26 na kaso, dalawang nasawi at 24 ang gumaling

Double digit din ang COVID- 19 cases sa Barangay 3 na may 15, Barangay 2 na may 12,  Barangay 6 na may 11 habang tig sampu sa Manguisoc at Masalongsalong.

Sa kabuuan sumampa na sa 203 ang mga naiatalang kaso ng COVID- 19  sa naturang bayan simula noong 2020.

Sa bilang na ito ay 22 ang nasawi at 179 ang gumaling.

Sa Healtcare utilization rate ay  may nakalaang 43 kama ang Mercedes Ligtas Covid Center at dalawa dito ngayon ang nagamit o 5 percent occupancy rate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *