Pag-atake ng China, asahan umanong mas titindi pa

Binigyang-diin ni De La Salle University Prof. Renato de Castro na asahang mas titindi ang gagawing pambu-bully ng China, lalo pa’t sinasabi ng mga ito na Pilipinas ang ‘aggressor.’

Sa panayam ng Brigada News FM kay de Castro, sinabi nitong China pa ang nagpupumilit na Pilipinas ang nagkakamali at pumapasok sa kanilang teritoryo.

Samantala, ibinahagi din niya na hindi na bago ang mga nangyayaring insidente sa West Philippine Sea.

2014 pa lang daw kasi ay may mga nangyayari nang ganito sa RoRe mission ng bansa sa nasabing katubigan. Sa harap ng paulit-ulit na pag-atake ng China, naniniwala si Castro na walang magagawa para mapapanagot ang pamahalaan ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *