Pag-institutionalize sa TESDA training center sa Zambo Sur, para mapalakas ang local labor force participation at productivity, inihain ni Go

Naghain si Senator Christopher “Bong” Go ng Senate Bill No. 2156 na naglalayung ma-institutionalize ang Zamboanga del Sur Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Provincial Training and Assessment Center na itatayo sa bayan ng Labangan town, upang makapagbigay sa mga lokal na residente ng access sa training courses para sa middle- and high-skill occupations.

Ayon kay Go, kailangang siguraduhin na may mga programang nakahanda para sa kabuhayan ng mga kababayan, lalo na ang mga ‘tech-voc’ o skills training para sa mga Pilipinong gustong matuto o makakuha ng sertipikasyon sa kanilang mga kakayahan, para makakuha agad ang mga ito ng maayos na trabaho.

Layunin ng itatayong center na mabawasan ang kahiparan at mapalakas ang labor force sa Zamboanga del Sur sa pamamagitan ng pagbibigay ng technical-vocational education at training para sa mga low-income residents, out-of-school youth, unemployed at underemployed adults, informal workers, persons with disabilities, at indigenous peoples, at marami pang iba.

Maliban dito, mag-aalok rin ito ng iba’t-ibang short-term certificate courses at modular training opportunities para matugunan ang pangangailangan ng emerging labor market demands.

Samantala, saklaw naman sa curriculum ang seminars at TESDA-registered training programs sa mga sumusunod na areas: (1) industry technology and hard trades; (2) agriculture and aquaculture; (3) preferred skills employment and small-scale entrepreneurship; (4) basic business literacy; (5) technical-vocational occupation and trades; at (6) computer literacy and information technology, etc.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *