Pagbaba ng Abaca fiber production sa Bicol, dahil sa kakatapos pa lamang na eleksyon 2022-Philfida

LEGAZPI CITY – Aminado ang Philippine Fiber Industry Development Authority (PHILFIDA) Bicol na nagkaroon ng negative 44% sa pagbaba sa produksyon ng abaca Fiber sa lalawigan ng Catanduanes, Albay, Sorsogon, Camarines Norte at Camarines Sur nitong buwan ng Abril-Mayo ngayong taong 2022.

Ayon kay Philfida Regional Director Mary Ann Molina, itinuturong dahilan ng pagbaba ay ang katatapos pa lamang na National and Local Elections nitong buwan ng Mayo kung saan maraming perang natanggap ang mga magsasaka mula sa mga politiko kung kaya hindi na ito nakapagstrip ng mga abaca fibers.

Maliban pa rito, naapektuhan ng pag-uulan ang harvest season sa mga nasabing buwan.

Dagdag pa nito, naging madalang din ito sa mga foreign buyers dahil sa naranasang quadrouple increase ng shipping cost sa fibers na umaabot sa $19K sa isang container van na kung saan patuloy ang pagtaas ng petroleum gas, ito ay base sa Grading Baling Establishment (GBE).

Umaasa ang opisyal, magkakaroon ng improvement sa produksyon ang rehiyon pagdating sa abaca fibers dahil sa nasa recovery stage na rin ang mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *