Pagbaba sa mga labi ng Cessna 340 plane crash victims, pahirapan ayon kay Mayor Baldo

Pahirapan ngayon para sa rescue teams ang pagbaba ng mga labi ng apat na biktima ng Cessna 340 plane crash malapit sa dalisdis ng bulkang Mayon dahil sa sama ng panahon.

Ayon kay Camalig Mayor Caloy Baldo, nahirapan ding abutin ng rescue teams ang lokasyon ng crash site kung kaya’t mas mahirap umano para sa kanila na ibaba ang labi ng mga biktima.

Dagdag pa nito, napakalas umano ng hangin, may mga nararanasang pag-ulan sa lugar at may mga bato o buhangin na rumaragasa pababa na posibleng maglagay sa kanila sa peligro.

Dahil dito, inabisuhan ang mga ito na kinakailangang magdoble-ingat sa pagbaba kasama ang mga labi dahil oras na magkamali ang ito ay maaaring magdulot ng kapahamakan.

Target din sanang tapusin ngayong araw ng alkalde ang ginagawang retrieval operation subalit nagpasya ang mga pinuno ng koponan mula sa Energy Development Corporation (EDC) at Search and Rescue Force (SRF) na pansamantalang suspendehin ang mga retrieval operations dahil sa loose soil at fogginess ng lugar na posibleng magdulot ng panganib sa mga rescuer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *