Pagbabakuna sa iba’t- ibang bayan sa Camarines Norte tuloy- tuloy

CAMARINES NORTE- Tuloy- tuloy ngayon ang vaccination sa iba’t- ibang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte lalo’t mayroon ding mga bagong dating na bakuna na hindi pa naituturok.

Batay sa pinakahuling datos mula sa Provincial Health Office (PHO) umaabot na sa mahigit 7, 600 ang kabuuang doses na naituturok.

Nasa 6, 940 ang first dose habang mahigit naman sa 700 ang second dose na ngayon ay nagpapatuloy.

March 17 nang mag- umpisa ang vaccination rollout sa probinsiya makaraang dumating ang unang tranche ng 283 vials ng AstraZeneca vaccine.

Sa 283 vials nakapagbakuna ng 2, 813 dahil ang isang vial ng AstraZeneca ay mayroong sampung shots.

Sa June 7- 11 ay mag uumpisa ang second dose para sa mga nabigyan ng unang batch ng AstraZeneca Vaccine.

Sa Sinovac naman ang unang batch na dumating ay nasa 400 at sa bilang na ito ay mayroon nang  first and second doses  .

Nasa 200 ang naibigay sa first dose at ang second dose ay nasa 198 o halos 99 % na ng first dose ang nabakunahan. Nasa 720 naman ang dumating na ikalawang tranche.

Sa ikatlong tranche  ng Sinovac ay isang daang porsiento na ang nabakunahan para sa first dose habang nasa 532 naman ang nakatanggap na ng second dose at nasa 74  ang hindi pa nakakakatanggap ng ikalawang dose.

Nasa 1, 440 naman ang dumating para sa ika- apat na tranche ng Sinovac kung saan 719 na ang naibigay sa first dose habang ang second dose nito ay uumpisahan sa susunod na buwan.

Sa fifth tranche naman ay nasa 3,600 vials ang dumating at nasa 1, 649 na o 91 % ang naibigay sa first dose at sa sususnod na buwan rin ang second dose.

Mayroon ding bagong dumating na 2, 880 at hindi pa ito naibabakuna.

Dalawang second tranche na rin ang dumating ng AstraZeneca, isang 354 at mayroon pang 283 at ito ay nakalaan naman para sa mga bibigyan ng second dose sa darating ding buwan.

At kung dati ay sampung shots ang kada vial ng AstraZence vaccine ngayon ay labingdalawang shots na ito.

Patuloy naman ang panghihikayat ng PHO sa mga kasama sa priority list na magpabakuna na at huwag nang maghintay ng iba pang brand.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *