Kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur pumalo na sa 3, 255 ; Emergency meeting pinangunahan ng DILG

NAGA CITY- Pumalo na sa 3, 255 ang cumulative COVID-cases sa Camarines Sur matapos na madagdagan ng 101 kahapon.

Kung titinggan ang record ng Department of Health- Bicol ang bayan ng Pili o ang Capital town ang pinaka maraming naitala sa rehiyon sa bilang na 30, sinundan ng bayan ng Bula sa parehong lalawigan na may nairecord na 22.

Una nang sinabi ni DOH Assistant Regional Director Dr. Ferchito Avelino na isa sa mga tinitingnang rason kung bakit tumataas ang kaso dahil sa mas pinaigting na contact tracing sa bawat probinsya; mas marami ang na susuri na close contacts. Bukod dito nadagdagan din ang mga laboratoryong nagkaroon na ng kapasidad na mag suri ng samples at pagbalik sa dati ugali ng mga Bicolano.

Kaugnay nito, pinaalalahan ng Department of Interior and Local Government ang mga Alklade at mga opisyal na ipatupad ang nararapat na aksyon laban sa COVID-19.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay DILG  Provincial Officer Melody Relucio, sinabi nitong nagkaroon sila ng emergency meeting kahapon upang ipaalala sa mga akalde at mga Municipal Health Officers ang kanilang papel sa COVID- response.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga alklade at mga punong Barangay na may malaking pagkukulang ay mahaharap sa kaukulang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *