Pagbagsak ng nasabing eroplano, maaaring isang pilot error ayon sa CAAP

Maari umanong nagkaroon ng pilot error ang nangyaring pagbagsak ng Cessna 340 plane sa Camalig, Albay nitong sabado Pebrero 18.

Ito ngayon ang tinitingnang anggulo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa nasabing insidente.

Sa isang panayam, sinabi ni CAAP Deputy Director General for Operations Edgardo Diaz, kung titingnan ang direksyon o position ng eroplano, hindi sumunod ang piloto sa designated airway patungong Manila na Whiskey 9.

Lumalabas kasi na sa halip na lumiko ito sa kaliwa, ang eroplano ay dumaan pa sa kanan habang nakaposisyon sa north bound.

Dagdag pa nito, nagtataka rin ang CAAP dahil ang pagbagsak ng nasabing eroplano ay natagpuan sa restricted zone ng bulkan Mayon.

Sinabi pa ni Diaz, hindi ganito ang training ng mga piloto dahil nararapat na iwasan ang mga mabundok na lugar o bahagi nito dahil malakas ang hangin.

Nilinaw din ng CAAP na hindi pa pinal ang resulta ng kanilang ginawang imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *