Pagbibigay ng prayoridad sa Camarines Sur ng Marcos Jr administration, daan sa pagkakaisa ayon sa isang kongresista

NAGA CITY- Pinasalamatan ng Provincial Government ng Camarines Sur ang Administrasyong Marcos Jr  sa pagbibigay ng prayoridad sa lalawigan lalo na sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project.

Ang proyekto ay magbukas hindi lamang ng pintuan ng bagong tahanan kundi libo-libong trabaho at ekonomiya. Ito ay ayon kay 2nd District Representative LRay Villafuerte.  Aniya malaking bagay ito upang magkaroon ng trabaho ang mga karpintero, plammers, painters, construction workers at iba pa.

Bukod dito ang  tulong ng pamahalaan sa sektor ng Agrikultura.

Ayon kay former Governor ang hakbang na ito ay isa sa mga daan upang maisakatuparan ang paulit-ulit na sinasabi ng Pangulo noon na unity kahit na nga balwarte ng mahigpit nitong kalaban sa puwesto noong 2022 Elections na si Atty. Leni Robredo ang Naga at Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *