Paggamit ng COVID-19 shots na walang EUA, insulto sa FDA – Robredo

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na ang paggamit ng COVID-19 vaccines na walang emergency use approval ay insulto sa lokal na regulators ng bansa.

Inihayag ito ng Pangalawang Pangulo matapos magpaturok ni Pangulong Rodrigo Duterte ng unang dose nito ng Chinese-made vaccine na Sinopharm noong nakaraang linggo.

Nasa anim na bakuna na ang naaprubahan ng FDA, ngunit wala sa listahan nito ang Sinopharm.

Ayon kay Robredo, makasasama lang sa efforts ng FDA ang paggamit ng bakuna na walang EUA.

Anya, sumasailalim sa mahirap na assessment ang mga eksperto ng FDA na naatasan na tumingin sa mga bakuna na dumadating sa bansa.

Iginiit ng Bise Presidente na mistulang pag-advertise sa isang hindi rehistradong bakuna ang pagpayag na maturukan nito.

Kinwestyon ng Pangalawang Pangulo kung para saan pa ang FDA kung hindi natin gagamitin ang mga bakuna na may EUA.

Matatandaan na unang nalagay sa kontrobersya ang Sinopharm matapos itong magamit sa inoculation ng Presidential Security Group noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.