Eleazar, binalasa ang 11 opisyal ng PNP

Nagsagawa si Philippine National Police chief General Guillermo Eleazar ng malawakang balasahan sa organisasyon kung saan ay naapektuhan ang pitong PNP generals at apat na colonels.

Sa reassignment order na may petsang May 8, ay nailipat si Special Action Force (SAF) chief Major General Bernabe Balba sa Visayas Directorate for Integrated Police Operations (DIPO).

Papalitan si Balba ni Calabarzon police director Brigadier General Felipe Natividad.

Nailipat naman sina dating Western Mindanao DIPO chief Brigadier General Jose Hidalgo Jr. at Brigadier General Jimili Macaraeg ng Directorate for Logistics, sa National Capital Region Police Office.

Nalagay naman si dating Miramropa police director Brigadier General Pascual Muñoz Jr. sa Directorate of Logistics.

Na-reassign naman sina Colonels Gregory Bogñalbal, Neri Ignacio, Cesar Pasiwen at Randy Peralta sa offfice of the PNP chief, Directorate for Compotrollership, SAF at Western Mindanao DIPO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.