Paggamit ng safety helmet at mga bonnets sa poblacion ng Quezon, ipinagbabawal muli ng LGU

Pansamantalang pinapasuspende ngayon ng LGU Quezon, Palawan ang paggamit ng mga safety helmets alinsunod sa Municipal ordinance no. 2008-081 partikular sa mismong poblacion.

Ang naturang kautusan ay pormal na inaprobahan nitong Martes 14,2023 na kung saan ay kasama rin sa ipinababawal ang pagsusuot ng mga bonnet.

Ito ay sa kabila na rin ng mga nangyayaring High Profile Crimes sa buong bansa na may idinidulot na epekto sa seguridad ng publiko.

Kaugnay nito, inaabisuhan ang publiko na ipinagbabawal pansamanatala ang pagsusuot nito habang nagmamaneho sa brgy.alfonso xiii na población area ng munisipyo at kung sakali mang magpapa gas ang mga ito ay kinakailangan nila itong tanggalin para sa tamang pagkakakilanlan ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *