Paghahanda sa mga school visits, dapat simple lang – DepEd 12

KORONADAL CITY- KAILANGANG maging simple na lamang ang preparasyon ng mga paaralan sa mga isinasagawang official visits, school monitoring, on site inspections, evaluation at mga validation.
Ito ay batay sa region memorandum no. 22 series of 2022 na ipinalabas ni ni Department of Education o DepEd 12 Regional Director Carlito Rocafort.

Sa naturang memo, ipinagbabawal na ang pagpapagawa ng mga tarpaulins at streamers sa pag-anunsyo sa pagdating ng mga bisita; pag-imprinta ng mga colorful at mamahaling mga programmes at invitations; pagbibigay ng mga leis, regalo o tokens sa mga opisyal, guests at mga bisita; at magarbong catering at paghahanda na katulad ng sa mga piyesta.

Ang naturang regional memo ay bilang pagtalima sa austerity policy o pagtitipid ng gobyerno at pagsasagawa ng mga simpleng aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *