Paghahati sa South Cotabato sa tatlong distrito, aprobado na


KORONADAL CITY — APROBADO na ang paghahati sa lalawigan ng South Cotabato sa tatlong distrito.
Ito ang kinumperma ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Paliwanag ni Tamayo na bubuuin ng mga bayan ng Tampakan, Tupi at Polomolok ang 1st district; lungsod ng Koronadal at mga bayan ng Tantangan at Banga ang 2nd district habang magiging sakop naman ng 3rd district ang mga bayan ng Surallah, T’boli, Lake Sebu, Sto. Niño at Norala.

Sinabi pa ng gobernador na si 2nd District Congressman-Elect Peter Miguel ang tatayong representante ng 2nd at 3rd district sa ngayong hanggang sa susunod na eleksyon.

Dahil sa re-districting, aasahan umano ang malalaking development sa lalawigan lalo na sa panibagong set ng mga opisyal sa South Cotabato.

Leave a Reply

Your email address will not be published.