Pagiging selective ng DSWD sa pamimigay ng AICS, kinuwesityon ni Senador Go

Kinuwestiyon ni Senador Bong Go si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa diumano’y “selective” na pamamahagi ng ayuda ng gobyerno at kung ito ay paghahanda sa pagtakbo sa susunod na eleksyon.

Sa pagdinig ng Senado sa mga panukalang batas na nag-iinstitutionalize sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), binanggit ni Go ang isang kaso sa General Santos City kung saan naisumite na ang validated lists ng mga benepisyaryo ngunit naantala pa rin payouts ng ilang buwan.

Ngunit nang personal silang dalawin ni Gatchalian, doon laman naibigay ang cash assistance sa mga benepisyaryo at nadoble pa ang halaga.

Depensa naman ni Gatchalian, hindi siya tatakbo sa Senado o anumang elective office sa darating na halala at nagkataon lamang na nagkaroon ng dagdag na emergency cash transfer dahil sa nangyaring lindol sa probinsya.

Sa kabila ng paliwanag, iginiit ni Go na ilang buwan nang naghintay ang mga benepisyaryo para matanggap ang AICS, at idinagdag na ang tulong na ito ay pera sa taumbayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *