Hinala ng mga pamilya ng namatay na OFW sa UAE dahil sa baha, iniimbestigahan na ng DMW

Binisita ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pamilya ng dalawa sa tatlong Pilipinong nasawi sa malawakang pagbaha na dumaan sa United Arab Emirates.

Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Cacdac, personal niyang tinalakay ang mga hakbang na ginagawa ng ahensya upang matugunan ang mga pagdududa na ipinahayag ng mga pamilya ng mga OFW na sina Jennie Gamboa at Marjorie Saquing, hinggil sa kanilang pagkamatay.

Sa inisyal na ulat na natanggap ng DMW, parehong namatay ang dalawa dahil sa suffocation sa loob ng kanilang company shuttle bus matapos itong ma-stranded sa kasagsagan ng pagbaha.

Bukod kina Gamboa at Casipong, namatay din ang isa pang OFW na si Dante Casipong matapos mahulog ang sasakyan nito sa sinkhole sa loob ng Al Maktoum International Airport. Kasama niya ang dalawa pang Pinoy na nasugatan ngunit nakaligtas.

Sinisikap ng DMW at ng Migrant Workers Office (MWO) sa Dubai ang agarang pagpapauwi sa mga labi ng tatlong Pilipinong nasawi, at umaasa silang mapauwi ito sa o bago ang Abril 27.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *