Pagkaantala sa pagdating ng mga bakuna kontra covid-19, hindi umano makaaapekto sa target na herd immunity – DOH

Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na kaya pa rin na maabot ng bansa  ang target na herd immunity sa darating na Nobyembre sa kabila ng delay sa pagdating ng panibagong suplay ng mga bakuna kontra covid-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi makakaapekto ang bahagyang pagkaantala ng delivery ng covid-19 vaccine sa inaasam na herd immunity partikular sa National Capital Region (NCR).

Sa katunayan aniya, mismong si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. ang nagsabi na may paparating na 11.5 million doses ng mga bakuna sa bansa ngayong linggo.

Dagdag pa ng kalihim, nasa isa hanggang dalawang linggo lamang ang nagiging delay sa mga bakuna dahil sa ilang hindi maiiwasang rason.

Pero sa oras na dumating na aniya ang mga bakuna, mas marami pa ang mababakunahan hindi lamang sa NCR.

Mababatid na nauna nang sinabi ng DOH na sa target na herd immunity, nasa 70 percent ng populasyon ang kailangang mabakunahan sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *