Pagkakaisa mensahe ng simbahang katolika sa pagsisimula ng Kuwaresma o ngayong Ash Wednesday

NAGA CITY- Pagkakaisa ang mensahe ng Simbahang Katolika sa pagsisimula ng Kuwaresma ngayong araw Feb. 22, 2023.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Fr. Louie Occiano, head ng Caceres Commission on Communications , sinabing ito ang mensahe ng Archdiocese ng Caceres at ni Arsobispo Rolando J. Tria Tirona OCD, D.D.  Isabuhay din ang panawagan na Santo Papa sa Synodal Church.

Bukod dito nagpapasalamat din ang simbahan dahil sa pagbalik sa normal mula sa pandemya.

Aang pagsisimula ng Kuwaresma o ngayong Ash Wednesday, ang paglalagay ng abo sa noo nagpapaalala na ang buhay ay maikli , sa abo galing at sa abo babalik. Ito rin ang simbolo ng pag penitensya at pagsisi sa mga kasalanan. Ang araw na ito ay tinatawag ding Miercoles de Ceniza o “Pangurus” sa Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *