Pagkakasakit ng mga batang limang taong pababa kayang maiwasan kung nagpapa breastfeed

NAGA CITY – Mataas pa rin ang bilang ng mga batang nagkakaksakit at namamatay sa bansa dahil sa malnutrisyon subalit puwede itong maiwasan kung nagpapa breastfeed ang ina.

Ito ang inihayag ni Dr. Dale Sy, pediatrician at lactation consultant sa isang pagtitipon kaugnay sa kanilang adbokasiya sa kahalagahan ng Breastfeeding sa kalusugan ng mga bata at kahit ng ina.

Ayon kay Dr. Sy, lumabas sa kanilang pag-aaral na ang isa sa dahilan ng pagiging malnourish ng isang bata ay ang kakulangan ng sustansiya sa katawan dahil hindi ito napadede ng maayos ng kanyang ina, kaya madali itong magkasakit.

Pinaliwanag niya na sana ay huwag kalilimutan ng mga ina na ang gatas nila ay siyang pinakamasustansiyang gatas na kailangan.

Tinatawagan din niya ang mga lokal na pamahalaan na seryusuhin ang pag promote ng breastfeeding para mabawasan ang nagkakasakit na mga bata ay namamatay dahil sa malnutrisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *