Mga ahensiya ng gobyerno at LGUS sa Albay, ipapatawag upang pag-usapan ang tungkol sa paghahanda sa alert level ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 2 ang bulkang Mayon, bandang alas tres ng hapon kahapon, ipapatawag na ang bawat lokal na pamahalaan ng mga bayan at lunsod maging ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa lalawigan ng Albay bilang paghahanda sa alert level status ng bulkan.

Nauna nang ipahayag ni Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) head Dr. Cedric Daep sa Brigada News FM Legazpi na ipapatawag niya ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at mga stakeholders kabilang ang Philippine National Police (PNP), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kabilang sa pag-uusapan ang pagpapalakas ng pagdidisemina ng impormasyon hinggil sa estado ng Mayon at ang kanilang evacuation plan kasabay ang pag-update sa maaapektuhang populasyon upang malaman kung ilang evacuation centers ang kailangang ihanda.

Nakatakda isagawa ng APSEMO kasama ang mga nabanggit na opisyal ang kanilang meeting sa darating na Lunes, Oktubre 10, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *