Pagkaltas sa allowance ng mga BHW sa Narra, Palawan pinaimbistagahan na.

Tinawag na ilegal ni BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co ang ginawang pagkaltas sa allowance ng mga Barangay Health Workers (BHW) sa bayan ng Narra, Palawan.

Matatandaan, buwan ng Pebrero 2021 nagdesisyon ang local health board ng Narra na hatiin ang matatanggap na allowance ng mga BHW para ibigay sa ibang health volunteer at barangay tanod na nagtrabaho sa munsipyo na hindi kasama sa payroll.

Ayon kay Cong. Co , hindi maaring bawasan at pakialaman ang allowance ng BHW. “Aba’y ilegal yun! iba ang allowance ng tanod at staff, iba ang allowance na para sa BHWs.” saad ni Cong. Co

Unang napakinggan at tinalakay ang usapin sa Brigada News FM, kaya paliwanag ng lokal na pamahalaan kasama ang local health board ng Narra ang ginawang pagbawas sa allowance ng BHWs ay hindi naging sapilitan.

Paliwanag ng BHW partylist Representative,  maaring kunin sa ibang programa gaya ng Social Amelioration Program (SAP) kung nanaisin na matulungan ang iba pang nabanggit na nagsilbi sa munsipyo, ngunit hindi maaring kunin o bawasan ang nakapangalan sa isang BHW.

“Isinasakripisyo ng mga BHWs ang sarili para sa kapwa, pero gagamitin pala sila sa isang scam.” ani Cong. Co

Sa isinagawang zoom meeting kahapon, May 6, 2021 ay muling binuksan ng BHW partylist ang usapin.

“Gaya po ng nangyari dito sa Narra Palawan, papainbestigahan po natin yan kapag may threat na nangyari para ibalik ang special risk allowance. Ang para po sa BHW ay para sa BHW. Ibigay po natin ito sa kanila.

Inatasan na ni Cong. Co na maglabas ng memorandum ang DILG at DOH para linawin ang bagay na ito at maimbestigahan ng NBI para panagutin ang mga scalawag sa MHO at RHU na sangkot sa scam na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *