Paglalagay ng CCTV cameras sa pamilihang bayan ng Talisay naisakatuparan na

CAMARINES NORTE – Labis ang pasasalamat ni Municipal Market Administrator Edna Ines dahil naisakatuparan na at pinakikinabangan na ngayon ang CCTV cameras na inilagay na sa buong palibot ng Pamilihang Bayan ng Talisay.

Ito’y sa tulong na rin ng mga sumuporta sa programa lalo na ng mga sponsors partikular na ang grupong DIETS sa pamamagitan ng inilunsad na fundraising campaign  na “Palengke Mo, Bantayan ko Paraffle  Day” .

Ayon kay Market Admin Ines na sya ring Bise Presidente ng naturang grupo na  ilang araw bago ang aktibidad ay nakabili na sila ng CCTV at naikabit na ito sa Pamilihan kung saan mayroon itong 16 channel o 16 na camera na ikinabit sa mga lugar na mahalagang mabantayan at matutukan

Nagpasalamat din ang opisyal sa ibinigay na suporta ng kanilang mga kababayan at ng LGU sa pamumuno ni Mayor Donovan Mancenido upang maisakatuparan ang kanilang programa

Ang Grupong DIETS ay kilalang tagasuporta ng mga programa at proyekto ng LGU Talisay , binubuo ito ng mga indibidwal na pawang mga residente at lumaki sa naturang bayan at ilan sa mga ito ay nasa ibang bansa na

Marami na din itong natulungang mahihirap nilang kababayan  lalo na ngayong panahon ng pandemya  

Ayon sa grupo, ang kanilang fund raising campaign ay isa sa kanilang malaking proyekto na nagawa ngayong taon at asahan pa ang mas marami pang proyekto para sa kapakinabangan ng kanilang mga kababayan

Samantala, labis din ang pasasalamat ng mga stall owners, mga market vendors at ng mga mamimili dahil malaking tulong ang pagkakaroon ng CCTV sa Talisay Public Market 

(photo courtesy of: Talisay Public Market Admin Edna Ines)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *