Pagpapa-unlad ng negosyo sa Koronadal, isinusulong

KORONADAL CITY – NILAGDAAN na na ang isang Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng lokal na gobyerno ng Koronadal at ng South Cotabato Chamber of Commerce and Industry Foundation, Inc. o SCCCIFI na may layuning isulong ang aktibong trading at pag-unlad ng industriya ng negosyo sa lungsod upang mapanatili ang magandang ekonomiya.

Sa pangunguna ni Chairperson on Commerce, Trade and Industry, City Councilor Charine Krystle “Eina” Jumilla, naging matagumpay ang MOA signing.

Kabilang sa agreement, pangungunahan ang LGU-Koronadal sa pagbibigay ng direksyon ng mga patakaran at batas patungo sa isang investment friendly na lungsod at pangungunahan naman ng SCCCIFI ang aktibong pagsusulong ng komersyo at trading.

Kalakip sa mga lumagda sa agreement ay sini City Mayor Atty. Eliordo U. Ogena, City Vice Mayor Erlinda P. Araquil, SCCCIFI President Francis S. Sablon, Board Chairman Dr. Rolando S. Doria, at Executive Vice President Atty. Romeo A. Sustiguer, Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *