Pagpapatawag kay dating Pangulong Duterte sa senado, maaring idaan muna sa caucus

Naniniwala si Senate Majority Leader Joel Villanueva na valid ang concern ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros tungkol sa umiikot na isyu ng gentleman’s agreement ni dating pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping.

Kaugnay nito, hiniling ni Villanueva sa kanyang mga kasamahan na senador at maging kay Senate President Migz Zubiri na magkaroon ng caucus tungkol dito.

Ito ay upang mapag-usapan at matukoy ang nararapat na komite na dapat humawak nito kung Senate Committee on Foreign Relations ba o Senate Committee on National Defense.

Dagdag pa niya, pupwede ring pag-usapan dito ang pag-imbita kay Duterte upang magpaliwanag sa nasabing isyu kung sakaling dumating sa punto na kailanganin ito.

Maalala, una ng nanawagan si Hontiveros kay Duterte na itigil na ang pagtatanggol sa best friend nitong China dahil wala namang napapala ang bansa rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *