Mataas na voter turnout, inaasahan ng COMELEC

Naging pangkalahatang mapayapa ang pagbubukas ng barangay at Sangguniang Kabataan elections ayon sa Commission on Elections (COMELEC).

Sabi ni COMELEC chairperson George Garcia – naging ‘in order’ ang opening ng halalan sa halos 202,000 na mga polling precincts sa buong bansa.

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Garcia sa mga nagkaaberyang vote counting machines o VCMs sa mga areas na may idinaos na automated election system sa Cavite.

Nangako rin si Garcia na sisikapin nilang ipatupad na sa buong bansa ang ‘early voting’.

Ito makaraang magkaroon ng kalihutan sa mga areas na wala namang early voting, pero pumila sila sa mga polling precincts nang mas maaga pa sa alas-siyete.

Samantala, inaasahan naman daw ng COMELEC ang mataas na voter turnout ng hanggang sa 80%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *