Pagtanggap ng MMDA sa P200K ni Chavit – bawal sa batas ayon sa CSC

Naniniwala si Civil Service Commission Commissioner Aileen Lizada na labag sa batas ang ginawang pag tanggap ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa “donasyon” ni former Ilocos Sur governor Chavit Singson.

Sa Bagong Pilipinas Program, ipinunto ni Lizada na sa ilalim ng section 7 prohibited acts and transactions ng RA 6713 nakasaad na mariing ipinagbabawal ang pag solicit o pag tanggap ng direkta man o hindi ng anumang regalo, tip bilang pasasalamat, pabor, o anumang monetary value mula sa isang indibidwal.

Binanggit pa ni Lizada na kahit maganda ang intensyon sa pag donate, pero binigyang diin nito na hindi kailangang suklian ng “donasyon” ang pag ganap nila sa kanilang tungkulin, dahil bayad na sila ng taumbayan.

Nabatid na tinanggap ng MMDA ang ibinigay na 200thousand ni Singson, bilang pasasalamat daw nito sa pag huli sa kanyang sasakyan na dumaan sa EDSA busway.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *