1.8 tonelada ng shabu – nasabat sa checkpoint sa Alitagtag, Batangas

Sako-sakong kontrabando na naka-silid pa at ibinalot sa mga plasticware ang nasabat sa isinagawang checkpoint operation ng mga awtoridad sa Brgy. Pinagkrusan, Alitagtag, Batangas.

Ayon kay SILG, Benhur Abalos, ito na ang pinaka-makasaysayan at pinakamalaking droga sa buong bansa.

Ayon sa mga awtoridad pinara nila ang van para inspeksyunin ngunit sa halip na itigil ng driver ang sasakyan ay dumiretso pa ito na akmang tatakas. Agad naman itong napigilan ng pulisya at pinabuksan sa driver ang loob ng van kung saan tumambad sa kanila ang sako sakong kontrabando na may estimang timbang na dalawang tonelada na tinatayang nagkakahalaga ng humigit kumulang labing apat na bilyong piso.

Samantala, pinagkalooban naman ng spot promotion ni SILG Abalos at PNP Chief Rommel Francisco Marbil ang team leader ng Alitagtag Municipal Police Station na nanguna sa naturang checkpoint ito ay bilang pasasalamat sa tapat na serbisyo ng naturang pulis sa nasabing operasyon.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbentaryo at imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang kabuuang halaga ng mga kontrabando.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *