Pagtatanim munghake ng Agriculture Office sa Sagñay sa mataas na presyo ng Sibuyas

NAGA CITY – Tulad sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ramdam na ramdam din sa Sagñay, Camarines Sur, ang pagtaas ng presyo ng pulang sibuyas.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Myrna Sinaon, Municipal Agriculturist, naniniwala siyang kulang ang supply o produksyon nito kaya sumipa sa P300.00 ang bawat kilo lalo na ang maraming nagtatanim lamang nito ay sa hilagang bahagi ng bansa.

Ayon pa kay Sinaon, kung siya aniya ang tatanungin, bagamat hindi angkop ang bayan na taniman ng sibuyas na may ilang bahagi lamang, suportahan ng pamahalaan ang mga magsasaka, bigyan ng puhunan at patanimin sa kanya-kanyang Munisipalidad bilang dagdag na produksyon na magsusupply sa buong bayan kung saan doon na rin bibili.

Samantala, ang dahilan naman ng biglaang pagsipa sa presyo nito ay pinag-aaralan na ng Department of Agriculture. Ayon kay DA Spokesperson ASec. Kristine Evangelista, tinitingnan din ng ahensya ang supply ng sibuyas na aanihin ng mga magsasaka. Kapag nadagdagan ang supply, aasahan na ang pagbaba ng presyo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *