Palasyo, nangakong dodoblehin ang efforts vs kahirapan, kagutuman

Nangako ang Malacañang na dodoblehin ang kanilang efforts para patuloy na matugunan ang gutom at kahirapan sa bansa.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, na kinikilala nila ang bagong resulta ng survey ng Social Weather Stations, kung saan mababa ang bilang kumpara sa 16 percent na mga pamilya na parehong may karanasan sa huling quarter ng 2020.

Mababatid na batay sa survey ng SWS mula December 12 hanggang 16, 2021, lumalabas na 11.8% ng pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom sa huling quarter ng 2021.

Kaugnay nito, sinabi ni Andanar na ikinokonsidera ng Palasyo ang naturang figure, bilang maliwanag na indiskasyon ng positibong impact ng mga programa ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.

Samantala, binigyang diin ng kalihim na ang inisyatibo ng task force, kabilang na ang pagbuo ng Partnership Against Hunger and Poverty; pilot feeding programs sa ilalim ng First 1000 Days of Life; paglunsad ng Pilipinas Kontra Gutom; pagbuo ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Project Proposal for the World Bank; Gulayan sa Barangay at sa Pamayanan programs; at ilang pang livelihood projects ay naglalayung maiangat ang buhay ng mga magsasaka at mangingisda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *