Palawan, ligtas pa umano sa oil spill ayon sa PDRRMO

Ibinahagi ni Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Jerry Alili na ligtas pa ang Palawan mula sa oil spill.

Ayon kay Alili, nako-contain ng otoridad ang maliliit na langis na naaanod sa katubigan ng Palawan, at wala pang significant sightings ng tumagas na industrial fuel oil.

Aniya, simula day 1 ay nagsimula na rin ang paghahanda ng kanilang mga kababayan sakaling maapektuhan sila ng oil spill.

Naglatag umano sila ng improvised na oil spill boom upang masiguro ang kahandaan sa tumagas na langis.

Sa kasalukuyan, nilinaw ng opisyal na hindi pa ganoong karami ang tumatamang langis sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *