Palawan PPO, inalerto ang municipal police stations vs. scammers

Inalerto ni PPO Director P/Col. Adonis Guzman ang mga Municipal Police Station sa Palawan laban sa mga scammer.

Ito ay matapos makarating sa opisyal ang ulat na mayroong nabiktima ng scammer na nagpapanggap na product distributor sa Barangay Malatgao, Narra Palawan.

Ayon kay PMAJ. RIC RAMOS, tagapagsalita ng PPO, nakabantay ang mga Police Station sa Palawan lalo sa bahaging Norte ng lalawigan.

Hinihikayat nito ang sinumang nabiktima na magsumbong sa pulisya.

“Kasalukuyan po itong binabantayan ng mga station ng Palawan PPO lalong higit sa northern Palawan.

Naka-alerto at binigyang order ng ating PD ang ating mga kapulisan kung magagawi o makikita ang nasabing sasakyan sa AOR natin at kung may mga niloko sa ating mga kababayan, pumunta po agad sa pinaka-malapit na istasyon at maghain ng reklamo.- PMAJ. RIC RAMOS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *