Pangulong Duterte inanunsiyo ang pagreretiro sa pulitika

Inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagreretiro sa pulitika.

Ikinagulat ng lahat ang naging pahayag ng Pangulo matapos itong magsadya sa Sofitel Harbor Garden sa Pasay City na siyang venue ng paghahain ng certificate of candidacy para sa national position.

Ang akala ng lahat ay magpa-file ito ng kanyang COC sa pagka bise-presidente subalit si Senador Christopher Bong Go ang naghain para sa naturang posisyon.

Sa kanyang talumpati ipinaliwanag ni Pangulong Duterte kung bakit hindi nito itinuloy ang kanyang pagtakbo sa 2022 elections.

Ayon sa punong ehekutibo pinakinggan niya ang pulso ng taumbayan na naniniwalang hindi akma at labag sa konstitusyon kung tatakbo pa siya bilang vice-president.

Dito na sinabi ni Pangulong Duterte na tuluyan na siyang mamahinga sa pulitika matapos ang ilang taon paglilingkod sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *