Pantay na pagtrato sa gitna ng driver vs. passenger, tiniyak ng PSO

NAGA CITY – “Hindi lahat ng reklamo ay totoo, mayroon namang totoo.”

Ito ang nais linawin ni Joey Peñas, Transport Chief Regulation ng Naga City Public Safety Office Traffic Management Division, matapos ang ilang reklamo na naman laban sa mga trimobile driver, halimbawa kapag Sabado at Linggo obligado ang mga mag-aaral na magpakita ng kanyang student ID bilang patunay, at  minsan wala na sa lugar, ngunit mayroon namang totoo ang reklamo laban sa kanila lalo na’t ang ibang driver tumatangging magpasakay, minsan overcharging.

Ayon naman kay Allesandra Marie Noceja, mag-aaral at commuter, mula Peñafrancia, Naga City, para sa kanya mas kailangan na palakasin ang monitoring lalo na’t may mga pagkakataon na kasalanan ng pasahero, at talagang kasalanan din ng mga driver, imbis na masolusyonan mas nagiging malala pa ang sitwasyon sa gitna ng pasahero at driver.

Ayon pa kay Peña, tiniyak nilang pantay ang trato upang walang maging problema at maging maayos ang relasyon ng mga passenger at commuter.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *