Panukalang ilipat sa Disyembre ang pagdiriwang ng Baragatan Festival, tatalakayin pa sa plenaryo ng Sangguniang Panlalawigan

Tatalakayin pa umano sa Sangguniang Panlalawigan ng palawan ang panukala na ilipat sa buwan ng Disyembre ngayong taon ang selebrasyon ng Baragatan Festival.

Bago ito, kahapon ay nagsagawa ng committee meeting ang mga proponente na nangangasiwa sa aktibidad kasama ang Office of the Governor, PPDO at iba pang opisina.

Sa pagpupulong na pinangunahan ni Board Member Winston Arzaga, tinalakay roon ang pondong ilalaan sa naturang aktibidad na nagkakahalaga ng 15 milyong piso.

Iminungkahi ng lokal na mambabatas sa mga nangangasiwa ng Baragatan festival na dalhin na lamang sa mga munisipyo ang selebrasyon nito upang kumita ang mga lokal na Pamahalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *