Pastores 2022 ng DOT Bicol sa darating na Disyembre, bukas para sa lahat ng lalawigan sa rehiyon

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) Bicol na bukas ang Pastores 2022 para sa lahat ng mga lalawigan sa rehiyon na gaganapin sa darating na Disyembre sa isang mall sa lunsod ng Legazpi.

Sa pahayag ng Brigada News FM kay DOT Bicol Regional Director Herbie Aguas, sinabi niyang nagkaroon na ng pag-uusap kamakailan ang nabanggit na ahensya kasama ang mga LGU ng Legazpi upang maikalat na at makaipon ng mga kalahok sa nasabing aktibidad.

Lahat ng lalawigan ay maaaring sumali, at mas nais umano ng ahensya na bawat lalawigan ay mayroong kalahok, ngunit lilimitahan lamang umano nila ito hanggang sampu bawat lalawigan.

Sinabi pa ni Aguas, mamigay din sila ng seed money na nagkakahalagang dalawampung libumpiso sa mga lalahok para sa kanilang costumes, at iba pang gagastusin para sa paghahanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *