Mga kailangan upang mapaunlad ang turismo sa Albay 3rd district, inilatag ng Provincial Tourism Office

LEGAZPI CITY – Inilatag ng Albay Provincial Tourism Office ang mga kinakailangan upang mapaunlad ang turismo sa Albay 3rd District.

Sa pahayag ni Dorothy Colle, tagapagsalita ng nasabing opisina sa Brigada News FM, sinabi niyang maayos naman ang mga imprastraktura at road access sa nasabing lugar kaya pinupuntahan ito ng mga tao.

Ngunit ang nakikita lamang na kulang dito ay mga gawain, kahit pa mayroon naman silang mga resorts.

Kinakailangan umanong mapalakas ang pagma-market at madagdagan pa ang mga aktibidad.

Ang nakikita umanong maaring gawing activity sa lugar ay island hopping, at mangrove trekking.

Dagdag pa nito, kinakailangang magkaroon ng maraming mga investors para magkaroon ng mga gawain.

Kaya kinakakailangang magbigay ng magandang package ang lokal na pamahalaag para sa mga investors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *