Payapang Daigdig, inawit ni Lea Salonga sa isang Christmas concert sa Amerika

Inawit ni Lea Salonga ang Filipino song na Payapang Daigdig sa isang Christmas concert na ginanap sa Conference Center sa Salt Lake City, USA.

Itinuturing na  isa sa mga hindi makalilimutan at hindi inaasahang sandali ang pagkanta na ito ng Filipino Broadway star na nagpahanga sa

mga nanood sa 21,000-seater venue dahil sa kanyang world-class na pagtatanghal.

Ikinuwento ni Emily Abel sa artikulo nito sa Latter-Day Saint Life ang naramdaman niyang inspirasyon nang kantahin ng multi-awarded Filipino singer ang”Payapang Daigdig kahit hindi niya naiintindihan ang lyrics nito.

Ang  taos-pusong boses ni Lea ay lubos na nakaakit sa mga manonood na isang patunay  na walang kupas ang broadway star sa kaniyang mga pagtatanghal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *