PBA player ng Meralco Bolts – nahuling dumaan sa EDSA busway

Nahuling illegal na dumaan sa EDSA Busway ang PBA Center ng Meralco Bolts na si Raymond Almazan.

Batay sa video na ibinahagi ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT), makikitang nag-abot ng pera si Almazan sa isang traffic enforcer.

Ayon sa SAICT, nagkatangka pa ang basketbolista na manuhol sa kanilang tauhan para makaiwas lamang sa aberyang nangyari.

Agad namang tinanggihan ng enforcer ang pera at inisyuhan ng tiket ang basketball player.

Sa ngayon, wala pang pahayag si Almazan na dating miyembro ng National Team na Gilas Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *