PBBM, dadalo sa 10 bilateral meetings sa ASEAN-EU Commemorative summit

Inaasahang dadalo si Pangulong Bongbong Marcos sa 10 mga bilateral meetings sa pagdalo nito sa sa ASEAN-EU Commemorative Summit sa December 14.

Kabilang na rito ang pakikipagpulong sa King of Belgium na may layuning palawigin pa ang cooperation ng bansa pagdating sa sektor ng agrikultura at renewable energy.

Makapupulong din ni Marcos ang Estonian Leader para sa usapin sa cyber cooperation at extradition treaty; Czech, Spanish, at Dannish leaders para sa usaping may kinalaman sa defense cooperation; at iba pang mga lider mula sa Belgium, Germany, Poland, Finland Netherlands at EU.

Maliban ba ito sa inaasahang meeting ng Pangulo kasama ang business community sa Belgium na may layuning makapaguwi ng mas maraming mamumuhunan sa bansa.

Inaasahan ding sa talumpati ng Pangulo sa mga ASEAN-EU leaders ay bubuksan ng Pangulo ang ilang mga isyu na may kinalaman sa post-pandemic health and economic recovery. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *