PCG namahagi ng hot meals sa mahigit 500 stranded na pasahero sa Matnog port; mga LGUs at ibang sektor, tumulong na rin

SORSOGON CITY – Sinimulan na mula kahapon, Abril 11 ng mga LGU’s at ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pamamahagi ng hot meals sa 560 stranded na mga pasahero sa Matnog Port.

Tulong- tulong din ang iba-t- ibang sektor sa pag- alalay sa mga pasahero na aabutin pa umano hanggang Miyerkules bago tuluyang lumabas ng bansa  ang bagyong si Agaton.

Ang ibang LGU’s naman ay namahagi rin ng food packs sa kanilang mga residente, lalo na sa hanay ng mga mangingisda na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa sama ng panahon.

Habang sinusulat ang balitang ito (Abril 12), ay nakapagtala na ang Office of Civil defense (OCD) Bicol ng aabot sa 4,046 na stranded na indibidwal sa Matnog Port, 1,267 naman na rolling cargoes at tatlong sea vessels na sumilong muna sa nasabing pantalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *