Pilipinas hindi na kakayanin ang panibagong COVID-19 surge – PRRD

Posibleng hindi na kayanin ng Pilipinas kung magkakaroon muli ng COVID-19 surge sa bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng panawagan sa publiko na huwag maging kampante ngayong naitatalang muli sa iba’t-ibang panig ng mundo ang COVID-19 surge.

Paliwanag ng Pangulo hindi mayamang bansa ang Pilipinas at tiyak na mahihirapan itong tustusan ang panibagong wave ng COVID-19.

Pinaalalahanan naman ng punong ehekutibo ang lahat na sundin ang mga health and safety protocols at magpabakuna na laban sa naturang sakit.

“Pero tayo dito, sabihin ko lang na hindi pa — hindi tayo mayaman, we cannot hardly afford to meet another wave of pandemic. Maybe the second, the third, or this would mean maybe the third wave ng itong the original COVID-19. Iyan eh, complacent sila,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *