PCO, binalaan ang publiko sa kumakalat na video na ginagamit ang boses ni Pangulong Marcos

Binalaan ng Presidential Communications Office o PCO ang publiko hinggil sa kumakalat na pekeng video content na gumagamit sa boses ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa post ng PCO, nakasaad na ginamitan ng audio deepfake ang video para pagmukhaing si Pangulong Marcos ang nagsasalita, na inaatasan ang Armed Forces of the Philippines na kumilos laban sa isang partikular na bansa.

Agad nilinaw ng PCO na walang ganitong direktiba ang Pangulo.

Mahigpit na ring nakikipag ugnayan ang ahensya sa DICT, National Security Council at National Cybersecurity Inter-Agency Committee at iba pang private sector upang masawata ang pag laganap at malisyosong pag gamit sa mga video at audio deepfakes at iba pang generative AI content.

Kasabay ng paghimok sa publiko na maging proactive sa pag laban sa fakenews.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *