Pagdami ng Chinese vessels sa WPS kasunod ng Balikatan Exercise, hindi normal ayon sa PH Navy

Hindi normal ayon sa Philippine Navy ang ‘surge’ ng Chinese Maritime Militia vessels sa West Philippine Sea.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad , mula April 16 hanggang April 22 na araw na binuksan ang Balikatan exercise , namonitor ang nasa 110 maritime militia sa lugar.

Pinakamarami sa bilang ng Chinese maritime militia ay namataan sa Pag-asa Island sa Kalayaan, Palawan na may 46 sumunod ang Bajo de Masinloc sa 38, Ayungin 28 at Panata , 4

Dagdag pa ni Trinidad, tabi-tabi ang mga ito, naka angkla lang din at walang aktibidad na ginagawa.

May namonitor din 11 Chinese Coast Guard vessels at 3 People’s Liberation Army Navy.

Bagamat kasunod ito ng pag-uumpisa ng Balikatan, walang nakikitang banta ang Navy sa isinasagawang aktibidad ng Pilipinas at US sa ilalim ng Balikatan.

Inaasahan aniyang rerespetuhin ng mga ito ang pagsasanay na matagal nang isinasagawa ng tropa ng Pilipinas at mga bansang kalahok dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *