PDEG cops kinasuhan na re: Pagdukot, pagtorture sa mag-asawa sa Cebu

Inihain na ang criminal charges laban sa apat na mga pulis ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) dahil sa umano’y pagdukot at pag-torture sa dalawang indibidwal na inaakusahan na dawit sa illegal drug activities.

Matapos maibestigahan ang naturang pang-aabuso na nangyari umano noong Marso sa Minglanilla, Southern Cebu, ay kinasuhan ng NBI-7 ang mga PDEG personnel sa Office of the Ombudsman-Visayas ng paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code o Kidnapping and Serious Illegal Detention with torture at grave misconduct o paglabag sa Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Kabilang sa mga respondents sa kaso ay sina Police Staff Sgts. Rey David Aumentado, Rex Forrosuelo, Marjun Milar, at Jemechiel Gemang at dalawang iba pang hindi tinukoy na indibidwal.

Samantala, sinabi naman ni Police Lt. Col. Gerard Ace Pelare, spokesperson ng Police Brig. Gen. Anthony Aberin, chief ng Police Regional Office-Central Visayas (PRO-7), na narelieve na sa pwesto ang anim pang pulis habang pending pa ang imbestigasyon. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *