Marcos, ikinokonsidera ang pagpapatupad ng reorganisasyon sa kanyang Gabinete

Plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ireorganisa ang kanyang Gabinete matapos na magpaso na ang appointment ban.

Dahil dito, ang mga kandidato na natalo noong 2022 national elections ay maari nang maikonsidera sa bagong posisyon sa gobyerno.

Sa ilalim kasi ng Konstitusyon, pinagbabawalan ang mga natalong kandidato na maitalaga sa alinmang opisina ng gobyerno o government owned or controlled corporations sa loob ng isang taon matapos ang halalan.

Mababatid na sa halos isang taon nang pagiging presidente nito, hindi pa nagtatalaga si Marcos ng permanent secretaries para sa Departments of Healh, National Defense, Agriculture at iba pa. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *