PDL at 3 estudyante kabilang sa 10 bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Legazpi; active cases sa Albay, sumampa na sa 501

BNFM BICOLโ€”Sampong panibagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa lungsod ng Legazpi kahapon.

Tatlo sa mga ito ay mga estudyante, isang Person Deprived of Liberty (PDL), isang government employee, dalawang private company employees at tatlong iba pa.

Pito sa mga ito ay closed contact ng mga unang nagpositibo sa sakit, walo ang asymptomatic at dalawa ang may sintomas. Kabilang ang PDL sa mga hindi pa matukoy kung saan nahawa o for verification ang history of exposure.

Walong taong gulang na estudyante ang pinakabata matapos na maging close contact ng dati ng tinamaan ng sakit at 58-anyos naman ang pinakamatanda na hindi rin matukoy pa kung saan nahawa.

Samantala, maliban sa lungsod ng Legazpi ay nagtala rin ng mga bagong kaso kahapon ang bayan ng Daraga na mayroong siyam, apat sa bayan ng Guinobatan, dalawa sa bayan ng Bacacay at lungsod ng Ligao City at tig-iisa ang mga bayan ng Camalig, Libon at Tabaco City.

Sa kabuuan, mayroon nang 1,736 na kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Albay, 73 nito ang nasawi, 1,183 ang mga gumaling at 501 pa ang aktibong kaso.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *